Tuesday, February 12, 2008

Encarnacion

Encarnacion

(Pagsasakatawang-tao)


Halina't lumangoy
sa burak ng kamatayan
nang marinig taghoy
hangin sa sinapupunan.

Unos ng pighati't
nakasasakal na langit
pumaikot, pumulupot
sa pag-asang bubot.

Sabayan ang alon,
salungatin ang pag-agos.
Sisirin, iahon
kaluluwang nakagapos.

At mahinahong sagipin
ang nalulunod na bitwin.

No comments: