Encarnacion
(Pagsasakatawang-tao)Halina't lumangoy
sa burak ng kamatayan
nang marinig taghoy
hangin sa sinapupunan.
Unos ng pighati't
nakasasakal na langit
pumaikot, pumulupot
sa pag-asang bubot.
Sabayan ang alon,
salungatin ang pag-agos.
Sisirin, iahon
kaluluwang nakagapos.
At mahinahong sagipin
ang nalulunod na bitwin.